Nagtipun-tipon sa bahagi ng White Plains Quezon City ang libu-libong mga riders ng Angkas ngayong Linggo ng umaga, Disyembre 22.
Ito ay upang iprotesta ang pasiya ng Department of Transporation Inter-agency Technical Working Group na limitahan na lamang sa 10,000 ang bilang ng riders ng Angkas na maaaring bumiyahe sa susunod na taon.
Ayon kay Angkas chief transport advocate George Royeca, makaapekto sa kalidad ng kanilang ibinibigay na serbisyo ang naging pasiya ng LTFRB.
Iginiit pa ni Royeca, malaking dagok din aniya ito sa pamilya ng 17,000 riders nila na hindi na makabibiyahe sa pinalawig na test run ng mga motorcycle taxis sa loob ng anim na buwan sa 2020.
Kailangan pong malaman ng taumbayan, at kami rin, kung paano po yung basehan ng kanilang desisyon. Kailangan nating maipakita sa taumbayan kung ano talaga ang nangyari doon sa TWG kasi kami rin ay naguguluhan doon sa nangyari. Nananawagan kami sa Kongreso at Senado na magkaroon ng inquiry tungkol dito,” ani George Royeca sa panayam sa DWIZ.