Tatlong libo at limandaan (3,500) katao na karamihan ay mga kababaihan at kabataan sa Iraq ang ginagawang slave ng ISIS.
Ito ang paniniwala ng UN Assistance Mission for Iraq at UN Human Rights Office base na rin sa kanilang report.
Sinabi ng United Nations na malaking bilang din ng mga nasabing ISIS slaves ay mula sa ethnic at religious minority communities.
Nakasaad din sa report ang ginagawang executions ng ISIS sa pamamagitan nang pamamaril, pamumugot, pananagasa ng bulldozer, panununog ng buhay at maging ang pagtutulak ng mga tao sa mga gusali.
By Judith Larino