Pinasok ng mga magnanakaw ang bodega ng Land transportation Office o LTO sa punong tanggapan nito sa Quezon City.
Ito ang kinumpirma ni LTO Spokesman Jason Salvador makaraang madiskubreng nawawala ang libu-libong piraso ng blangkong plaka ng mga sasakyan sa loob ng bodega.
Aabutin ani Salvador sa milyong piso ang halaga ng mga ninakaw na blangkong plaka ng mga sasakyan.
Dahil dito, umapela si LTO Chief Roberto Cabrera sa Philippine National Police o PNP at National Bureau of Investigation o Nbi na pumasok na rin sa isinasagawa nilang imbestigasyon.
Nagtataka si Cabrera kung paano nawala ang mga nasabing plaka samantalang dalawa ang gate na daraanan ng sinumang magnanais pumasok sa bodega.
By Jaymark Dagala