Nakulong sa wildfire ang libo-libong bakasyunista sa bayan ng Mallacoota sa Australia.
Napaikutan ng apoy at makapal na usok ang Mallacoota mula sa kalapit nitong lugar dahilan upang hindi makalabas ang tinatayang 4,000 katao sa isang beach sa naturang lugar.
Ikinakasa na ngayon ng otoridad ang posibleng airborne o sea evacuation sakaling hindi masawata ang apoy.