Libu-libong Bangladeshis ang nagsagawa ng kilos protesta para ipanawagan ang pagbibitiw sa puwesto ni Prime Minister Sheikh Hasina.
Pinangunahan ng Bangladesh nationalist party (BNP) ang rally matapos ang pagkakabigo ni Hasina na matugunan ang pagtaas ng presyo ng gasolina maging ang halaga ng pamumuhay ng mga tao sa kanilang bansa.
Layunin ng naturang aktibidad na buwagin ang kanilang parliamento at iprayoridad ang bagong halalan.
Samantala, binalaan naman ni Hasina ang publiko na posibleng “mga arson terrorists” ang ginagawa ng mga opposition leaders para alisan siya ng kapangyarihan.