Personal na sinaksihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-turn over ng Russian Federation Defense Ministry sa Department of National Defense o DND ng mga gamit pandigma.
Kabilang dito ang dalawampung (20) multi-purpose military trucks, limang libong (5,000) AK-74 kalashnikov rifles, isang milyong bala at 5,000 steel helmets.
Ang Pangulo ay dumating sa Pier 15 kung saan nakadaong ang anti-submarine warship ng Russia na Admiral Pantaleev at sinalubong ng military honors mula sa Russian Navy.
Pinangunahan nina Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev at Russian Defense Minister Sergey Shoigun ang pagsalubong sa Pangulo.
Matapos nito ay kaagad nag ikot ang Pangulo sa Admiral Pantaleev kung saan ipinakita ng Russian Navy ang mga modernong equipment sa loob ng barko tulad ng anti-submarine detectors at destroyer.
(Ulat ni Jopel Pelenio)