Aabot sa 8,000 ektaryang taniman ng mais sa bansa ang apektado ng salot na full army worm.
Ito’y ayon kay Agriculture Secretary William Dar ang dahilan kaya’t naglaan sila ng P150-milyong para tulungan ang mga magsasaka ng maisan.
Magpapakalat din aniya sila ng mga crop expert para bumili ng crop protection chemicals at biocontrol agents na mabisang panlaban sa peste.
Nabatid na sa mahigit 4,000 ektaryang maisan sa Cagayan Valley ang nasira ng nasabing peste na sinundan naman ng Soccsksargen, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula.