Magkakaroon na ng sariling mga guro para sa kindergarten at senior high school ang mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, mahigit sa pitumpu’t limang libong (75,000) plantilla positions ang kanilang nilikha para sa kindergarten at senior high school.
Dati aniya ay ginagamit ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang special fund para kumuha ng mga guro para sa K-12 dahil wala pang plantilla positions para dito.
“Kinokontrata nila ang mga university kasi wala silang estudyante diba? because of the extension nagkaroon kapa ng senior high ngayon, 11 and 12, so walang puwedeng pumasok sa mga university, nabakante sila, so sila ang nag-handle ng Grades 11 and 12 pero ngayon since naka-graduate na ang Grade 12 kailangan naming mag-create ng mga position, nag-create kami ng 75,242 positions.” Pahayag ni Diokno
(Balitang Todong Lakas Interview)