Libu-libong guro sa Hungary ang naglunsad ng strike.
Protesta ng mga guro, dapat nang itigil ng pamahalaan ang sentralisasyon ng edukasyon at bigyan ng mas maraming mga pagpipilian ang mga paaralan sa gagamiting curriculum ng mga ito.
Maliban dito, nanawagan din sa gobyerno ng Hungary ang mga guro na ayusin ang kondisyon at taasan ang sahod ng mga guro.
Nanawagan naman ang mga guro sa lahat ng mga magulang na makiisa sa kanilang protesta para sa mas magandang kinabukasan ng mga kabataan.
By Ralph Obina
Photo Credit: EPA