Ipinag-utos ni Malaysian Prime Minister Najib Razak sa Malayian Navy at Maritime Enforcement Agency ang pagsagawa ng search-and-rescue operation para sa mga migrants na na-stranded sa karagatan ng Southeast Asia.
Nabatid na nasa 2,000 migrants pa ang 40 araw nang palutang-lutang sa Indian Ocean.
Sinabi ni Najib na hindi nito nais mamatay ang mga migrants.
Bangladeshis at Rohingya Muslims mula sa Myanmar ang karamihan sa mga ito.
Nagsagawa rin ng relief operation ang Malaysia para sa nasabing mga migrants.
Nagkasundo ang Malaysia at Indonesia na pansamantalang kupkupin ang nasabing mga migrants sa gitna ng pressure mula sa international community.
By Mariboy Ysibido