Libu-libong kabahayan sa Batangas ang nawasak dahil sa pagtama ng magkakasunod na lindol sa lalawigan.
Batay sa post-disaster assessment ng DSWD o Department of Social Welfare and Development, sa 3,114 kabahayan ang naapektuhan ng lindol, 432 rito ay totally damage habang 2,682 ang partially damage.
Matatandaang apat (4) na beses na tinamaan ng lindol ang Batangas mula noong Abril 8 kung saan magnitude 6 ang pinakamalakas na naitala ng PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology).
Samantala, nagpadala ang DSWD ang apat (4) na team sa sampung (10) barangay sa bayan ng Tingloy upang magsagawa ng psychological processing.
By Meann Tanbio