Ang baradong mga ilog ang itinuturong dahilan ng biglaang pagtaas ng tubig sa ilang mga bayan sa Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Governor Toto Mangudadatu, barado na ang Pulangi River na malapit sa bukidnon kaya’t umapaw ito sa ilang mga bayan Maguindanao kung saan higit 12,000 katao ang naapektuhan.
Idinagdag na higit sa 10 mga munisipalidad ng Maguindanao ang nasa low lying areas kaya madalas ang pagbaha dito kahit na konting ulan lamang.
Umaasa naman ang gobernador na matapos ang assessment ay makapagbibigay na ng tulong sa mga apektadong munisipalidad ang pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao.
“Kagabi lang po dumating ang aming assessment doon sa mga affected areas, malamang kung hindi ngayon baka bukas po ay makapag-ayuda na po ang aming pamahalaan.” Ani Mangudadatu.
Bagamat humupa na pagbaha, nananawagan pa din ang gobernador sa kanyang mga kababayan na huwag maging kumpiyansa at tiyaking laging handa sa posibleng pagbaha.
By Len Aguirre | Mariboy Ysibido | Ratsada Balita