Libu-libo katao ang lumahok sa malawakang rally sa Istanbul, Turkey sa unang anibersaryo ng nabigong kudeta na layuning magpatalsik kay President Recep Tayyip Erdogan sa pwesto.
Binigyang pugay naman ng mga raliyista sa pangunguna ni Erdogan ang dalawandaan animnapung nasawi na karamiha’y sundalo sa ipinakita nilang kabayanihan at katapangan upang tuluyang madurog ang mga tinatawag nilang traydor.
Nag-martsa ang libu-libong turko sa bosphorus bridge na ngayo’y tinawag ng July 15 martyr’s bridge bilang pakikiisa at suporta kay Erdogan.
Ibinabala rin ng pangulo na kanyang ibabalik ang bitay at pupugutan ang sinumang sangkot sa pagpapabagsak sa gobyerno na posible namang magwakas sa ambition ng Turkey na mapabilang sa European Union.
Ang Turkey ang tanging Islamic country sa middle east na walang parusang kamatayan.
By Drew Nacino (Photo Credit: Associated Press)
Libu-libong katao naglunsad ng malawakang rally sa unang anibersaryo ng nabigong kudeta sa Turkey was last modified: July 16th, 2017 by DWIZ 882