Halos labing dalawang (12) milyon o 1/6 ng populasyon ng Thailand ang nakapasok na sa Grand Palace sa Bangkok.
Ito ay para magbigay ng huling respeto kay King Bhumibol Adulyadej.
Libu-libo ang nakapila sa mga lansangan ng historic area ng Bangkok malapit sa Chao Phraya River para makapasok sa palasyo at masilayan sa huling pagkakataon ang hari.
Ang yumaong hari na 88-taong gulang ay nakatakdang i-cremate sa Oktubre 26.