Libu-libong katoliko ang dagsa sa iba’t ibang simbahan bilang pagdiriwang ng linggo ng palaspas o palm sunday na hudyat ng pagsisimula ng mahal na araw.
Ang Palm Sunday o Domingo De Ramos ay sumisimbolo sa pagbabalik Herusalem ni Hesu Kristo bago ipako sa krus kung saan sinalubong siya ng mga israelita bitbit ang mga palaspas.
Isang misa ang pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Manila Cathedral, Intramuros, simula ngayong 7:00 ng umaga.
Hinimok naman ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos ang mga kristyano na papasukin sa kanilang buhay ang Diyos gaya ng pagpasok ni Hesu Kristo sa Herusalem.
Dapat anyang taos-puso at bukas-palad na tanggapin si Hesu Kristo maging ang mga higit na nangangailangan.
Samantala, bukod sa mga mananampalataya ay dagsa rin ang mga nagtitinda ng palaspas sa labas ng mga simbahan.