Libu-libong mga Katoliko ang lumahok sa Walk for Life na inorganisa ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP sa iba’t ibang panig ng bansa.
Layon nitong ipanawagan sa pamahalaan na gumawa ng kongkretong aksyon kung paano mahihinto ang mga walang habas na pagpatay kaalinsabay ng war on drugs.
Maliban sa Maynila, nagsagawa rin ng Walk for Life sa Pangasinan na pinangunahan ni Lingayen-Dagupan archbishop at dating CBCP President Socrates Villegas.
Nagmartsa rin ang mga Cebuano mula Fuente Osmeña hanggang Metropolitan Cathedral sa Cebu gayundin sa Gaston park sa Cagayan de Oro City.
Sinabayan din ito sa Plazuela de Tarlac sa Tarlac City gayundin mula San Pablo Cathedral patungo sa Dagatan boulevard sa San Pablo, Laguna
Una nang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na kinikilala naman ng Malacañang, ang hakbang na ito ng Simbahang Katolika bilang patunay na buhay ang demokrasya sa Pilipinas.
From the Presidential Spokesperson – On February 24 Walk for Life
We thank everyone’s cooperation from the Catholic leaders to our authorities for making today’s Walk for Life gathering peaceful. As we all know, President Rodrigo Roa Duterte is open to constructive criticism. He allows everyone, including the protesters, to fully exercise their right to express their grievances within the bounds of the law. Today’s Walk for Life is a testament that democracy and freedom are very much alive in the Philippines.