Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na maglalabas sila ng 100,000 komiks para ipaliwanag sa publiko ang mga usapin hinggil sa West Philippine Sea.
Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, ililimbag ang komiks sa wikang Ingles at Filipino maging sa Cebuano at Ilokano.
Sinabi ni Jose na tatalakay din ang mga ito sa pagtataboy ng China sa mga mangingisdang Pinoy sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Umaasa aniya sila na sa pamamagitan ng ilalabas nilang komiks ay mas maiintindihan ng taumbayan ang kahalagahan na ipaglaban ang mga teritoryo ng bansa na inaangkin ng China.
Kamakailan lamang, naglabas ng serye ng documentary ang DFA at Presidential Communications Operations Office ng Information, Education, and Communication (IEC) ng DFA na layong itaas ang antas ng kaalaman at kamalayan ng mga mamamayan hinggil sa mga usapin sa West Philippine Sea.
By Meann Tanbio