Mawawalan ng trabaho ang humigit-kumulang sa 12,000 manggagawa sa Valenzuela City sakaling isara lahat ang mga kumpanyang walang fire safety inspection certificates.
Dahil dito, nanawagan si TUCP-Nagkaisa National Spokesman Alan Tanjusay kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian na bigyan ng 10 araw ang mga kumpanya upang masunod ang mga requirements.
Paliwanag ni Tanjusay, kung isasara kaagad ang mga establisimiyento ay walang alternatibong plano ang gobyerno para sa mga mawawalan ng trabaho.
Ipinag-utos ni Gatchalian ang pag-revoke sa business permits at pag-shut down sa mga kumpanyang ito matapos magbanta si Pangulong Aquino na kakasuhan ang mga may pananagutan sa sunog sa isang pabrika ng tsinelas.
By Jelbert Perdez