Nananawagan ng dayalogo sa Professional Regulatory Commission o PRC, ang grupo ng medical specialists.
Ito ay kaugnay sa inilabas na resolution number 25 ng PRC, kung saan sinasabing kailangan maging miyembro ng walong piling medical societies, ang mga doktor, upang makapag-practice.
Iginiit ni Atty. Vincent Areus, legal counsel ng Philippine Academy of Medical Specialists, na libo-libong doktor, lalo na sa mga probinsya ang maaring manganib kapag naipatupad na ito.
“Hindi nila puwedeng pilitin ang ilang doktor na maging bahagi ng isang grupo, ano pong mangyayari sa mga doktor na espesyalista na ngayon? Ibig sabihin ba nun na hindi na sila specialist? Ibig sabihin ba nun po na ang kanilang mga nakuhang certification ay mawawalang-bisa?” Pahayag ni Areus.
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas