Libu-libong mga Israelis ang nagtipun-tipon sa lungsod ng Tel Aviv para sa ikalawang linggo ng kilos protesta laban kay Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Kasunod ito ng isinasagawang criminal investigation laban kay Netanyahu dahil sa alegasyon ng kurapsyon at pang-aabuso sa kapangyarhan.
Ayon sa pulisya, tinatayang nasa sampung libong (10,000) mga Israeli ang sumama sa anti corruption protests.
Si Netanyahu ay sangkot sa dalawang kaso matapos umano tumanggap ng regalo mula sa isang mayamang business at pakikipag negosasyon sa isang pahayagan upang batikusin ang kalabang political party.