Nangangailangan ng libu-libong manggagawang Filipino ang ilang bansa sa Asya at Europa.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nasa isang libong (1,000) mga babaeng nurse ang kailangan sa Saudi Arabia habang isang daan at limampung (150) mga emergency medical technicians naman sa Abu Dhabi.
Gayundin, bukas din para sa apat na raang (400) nurses ang Germany at isang libong (1,000) mga skilled at non-skilled workers ang kinakailangan sa Poland.
Pagtitiyak ng POEA, maganda ang alok na suweldo at working conditions sa mga nabanggit na bansa.
—-