Nasa tatlumpu hanggang apatnapung libong (30,000-40,000) Moro Islamic Liberation Front o MILF fighters ang i-de-decommission sa oras na ipatupad na ang Bangsamoro Organic Law na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim, anim sa pinakamalaki nilang kampo ang iki-no-convert na bilang isang produktong komunidad para sa mga sibilyang nais tumulong sa mga rebelde na bumalik sa normal na pamumuhay.
Umaapela naman si Murad sa international community na magbahagi ng kanilang tulong sa isang trust fund na gagamitin upang mapondohan ang transition ng mga rebelde mula sa ilang dekadang pakikipaglaban.
Pinasalamatan naman ng MILF chairman ang pagratipika ng Kongreso sa autonomy deal na ipadadala naman kay Pangulong Duterte upang lagdaan at maging isang ganap na batas.
—-