Nagbarikada na ang tinatayang 8,000 katao na karamiha’y miyembro ng grupong Kadamay sa pandi 3, Barangay Mapulang Lupa sa Pandi, Bulacan.
Ito’y upang pigilan ang nakatakdang paghahain ng eviction notice ng National Housing Authority o NHA, ngayong araw.
Kagabi pa lamang ay nagtipon-tipon na ang mga miyembreo naturang urban poor group upang pag-usapan ang kanilang mga hakbang sakaling dumating ang mga opisyales ng NHA, PNP o Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsisilbi ang notice of eviction.
Binakuran din ng mga kahoy ang nasa harapan ng mga inokupang housing units at nakalagay sa harapan ang ‘No ID No Entry’ kung saan pawang mga miyembro lamang ng Kadamay ang makapapasok sa loob ng mga nasabing pabahay.
Kadamay maglulunsad ng kilos protesta vs NHA
Plano ng grupong Kadamay na maglunsad ng kilos protesta sa tapat mismo ng main office ng National Housing Authority o NHA sa Diliman, Quezon City upang kwestiyunin ang ihahain na eviction notice sa kanilang grupo.
Ayon kay Kadamay National Chairman Gloria Arellano, issue ito ng criminal liability sa housing ng gobyerno dahil matagal ng nangangailan ng pabahay ang maraming mahirap na pamilya pero tila bingi at pipi umano ang NHA.
Dapat anyang tutukan ng gobyerno ang problema sa pabahay dahil dekada na ang problemang ito.
Iginiit ni Arellano na napakabagal ng proseso ng naturang ahensya kaya’t napakaraming nakatiwangwang na mga bahay na ilang taon ng hindi pa rin natitirhan.
By Drew Nacino