Nagkasa ng apat na medical missions ang SM Foundation katuwang ang Palawan kasabay nang turn over at inagurasyon ng Naval Station Apolinario Jalandoon Medical Dispensary (NSAJ MD) at Barangay Irawan Birthing Facility.
Nagsilbi ring partners sa mga nasabing medical missions ang DMIRIE Foundation Incorporated, 2GO travel at Negrense Marine Integrated Services Incorporated.
Ang 2GO at Negrense Marine Integrated Services Incorporated ang nag-transport ng Sm foundation Mobile Clinic samantalang nag-supply naman ng unlimited coffee at gift packs ang and DMIRIE Foundation sa lahat ng mga pasyente sa mga nabanggit na medical mission.
Ang unang medical at dental mission ng SMFI katuwang ang mga opisyal ng Barangay Sta Cruz, Puerto Princesa City Health Office, Joint Task Force Malampaya, Philippine Navy, Puerto Princesa Commando 9, Brotherhood Organization Incorporated at Emilio Aguinaldo Masonic Lodge #13 ay isinagawa sa Barangay Sta Cruz, Puerto Princesa kung saan 770,000 serbisyong medikal ang naibigay.
Kabilang dito ang medical-531, surgical – 38, dental – 39, sugar test – 46, cholesterol test – 16, uric acid test -39, urinalysis – 35, ECG – 5 at x ray – 21.
Samantala, July 10 nang isagawa ang medical mission sa Naval Installation and Facilities West sa tulong ng Philippine Navy at local hospitals kasabay nang inagurasyon ng NSAJ MD kung saan 171 services ang napakinabangan tulad ng medical – 109, sugar test – 12, cholesterol test – 19, uric acid test – 20, hemoglobin test – 3, ECG – 5 at x-ray – 3.
Sa vicinity ng birthing facility ng Barangay Irawan halos 300 serbisyo ang napakinabangan ng mga residente mula sa medical at dental mission nitong July 11 katuwang ang Philippine Navy, Puerto Princesa City Health Office, Barangay Irawan officials at SM City Puerto Princesa.
Kabilang dito ang medical – 299, dental – 30, sugar test – 39, cholesterol test – 34, uric acid test – 43, ECG – 10 at x-ray – 37.
Makalipas ang isang araw o July 12, idinaos naman ang medical at dental mission ng sm foundation sa Octagon Gymnasium ng Brooke’s Point sa tulong ng BDO Network Bank, LGU ng Brooke’s Point, Palawan Medical Society at local hospitals and pharmacy kung saan naibigay ang 700 serbisyo kabilang ang medical-390, dental-50, sugar test-11, cholesterol test-49, uric acid test – 13, hemoglobin test – 65 at ECG at x-ray – 70.