Mahigit 3,000 pamilya ang wala pa ring permanenteng bahay dalawang taon matapos ang Zamboanga siege.
Ayon kay Zenaida Arevalo, Director ng Department of Social Welfare and Development-Western Mindanao, nananatili ang mga nabanggit na pamilya sa 12 transitory sites.
Hindi aniya nila maipaliwanag kung bakit hindi pa nakalilipat ang mga apektadong residente sa mga permanent shelter at ang National Housing Authority (NHA) ang makasasagot nito dahil ito ang pangunahing nakatutok sa konstruksyon ng mga bahay.
Aminado naman si Reynaldo Bolay-og, NHA Supervising Engineer na hindi pa nagsisimula ang konstruksyon ng ilang permanent housing unit gaya ng nakaplano para sa mga residente ng barangay Rio Hondo.
Gayunman, nasa 8,000 unit na anya ang itinatayo at maaaring matapos bago matapos ang kasalukuyang taon.
By Drew Nacino