Pinayagan na ang libu-libong pamilya na naapektuhan ng giyera sa Marawi City na magtayo muli ng kanilang bahay sa mga pinaka-nasirang bahagi ng lungsod.
Ayon sa Task Force Bangon Marawi, simula sa Hulyo ay uubra nang magtayo ng mga bahay ang mga residente sa Marawi City dalawang taon matapos atakihin ng mga teroristang Maute ang lugar.
Sinabi ni TFBM Chair Secretary Eduardo Del Rosario na simula sa July 1 ay makakabalik na ang mga naapektuhan ng giyera sa kanilang bahay para i repair o magtayo ng bagong gusali partikular sa sector 1 na isa sa siyam na sektor na bumubuo sa 250 hectare most affected area sa Marawi City.
Sakop ng bawat sektor ang mga naapektuhang barangay kabilang ang main battle area.
Mula nuong 2018 ay pinayagan na ang mga residente na pumunta at kumuha ng anumang pakikinabangan pa sa kanilang mga dating tahanan.
Inihayag ni Del Rosario na ang kaligtasan ng mga residente ang dahilan kaya’t inabot ng dalawang taon bago sila pinayagang muling magtayo ng mga Istruktura.
Samantala, ang 4,000 pamilya na dating nakatira sa danger zone ay tutulungan ng gobyerno na mag relocate at magtayo ng kanilang mga bahay.