Libu-libong pasahero ang napilitang maglakad bunsod ng matinding traffic sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila na apektado ng road closure para sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit.
Pawang mga commuter na patungo at nagmula sa Southern Metro Manila, Cavite at Laguna ang naapektuhan ng road closure, kahapon.
Kabilang sa mga isinara ang malaking bahagi ng Roxas Boulevard, ilang bahagi ng Edsa, Macapagal Avenue at Coastal Road.
Samantala, ibinulalas naman ng mga pasahero ang kanilang pagka-dismaya at galit sa social media sa pamamagitan ng pagbatikos sa pangbe-baby umano ng gobyerno ng Pilipinas sa mga APEC delegate.
By Drew Nacino