Libu – libong mga isda ang namatay sa Manila Bay sa bahagi ng Las Pinas at Paranaque City.
Nagulat na lamang ang mga residente sa gilid ng dagat nang magsimulang maglutangan sa sangkatutak na isda.
Halos tumabon sa tabing dagat ang kapal ng sari -saring patay na isda habang dumagsa naman sa napakaraming mga ibon na tila – nag fiesta sa dami ng isda.
May mga mangingisda naman ang naglakas loob na kumuha at nagluto ng mga patay na isda dahil sa kanilang panghihinayang.
Kaugnay nito, nagbabala naman ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na huwag kainin ang mga patay na isda dahil posibleng makasama ito sa kalusugan.
Kumuha na ng water sample ang BFAR para maipadala sa laboratoryo upang matukoy ang naging dahilan ng fish kill.