Libu–libong mga pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang pabrika sa Zamboanga Del Sur.
Ang pagsakalay ay ginawa ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP).
Nakuha sa pabrika ang mga sigarilyo na mayroong pekeng Bureau of Internal Revenue (BIR) stamps, bar codes at mga makina.
Batay sa isinagawang imbestigasyon, kayang gumawa ng naturang pabrika ng limampung libong pakete ng pekeng sigarilyo kada araw.
Inaalam na ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng naturang iligal na aktibidad.