Humigit kumulang 200,000 Pilipino ang apektado ng malawakang pagbaha sa Qatar.
Ayon sa ulat, nagsara ang isang Filipino school sa Qatar ng dalawang araw dahil sa walang tigil na pag-ulan kung saan naapektuhan din ang Saudi Arabia.
Dahil sa pagbaha, isinara ang mga pangunahing kalsada sa Qatar kaya’t hindi makadaan ang mga pasahero at nagdulot din ito ng pagsisikip sa daloy ng mga sasakyan.
Nag-shut down din ang embahada ng Estados Unidos sa Qatar dahil sa tindi ng pagbaha.
By Meann Tanbio | Allan Francisco