Halos 30,000 mga prepaid numbers ang tinanggalan ng serbisyo ng Globe Telecom Incorporated.
Ayon kay Globe’s Chief Information Security Officer Anton Bonifacio, ito ay bilang tugon ng kumpanya sa dami ng mga subscriber na naloloko at naabala ng mga scammer sa text.
Halos 25,000 sa mga ito ay sinasabing nagpapadala ng mga scam messages.
Habang 4,500 naman ang nagpapadala ng spam messages.
Kaugnay nito, hinimok ng Globe ang kanilang mga subscriber na isumbong ang mga nagpapadala pa rin ng mga scam messages sa pamamagitan ng kanilang website.
Ang mga numerong may pinakamaraming sumbong ay iba-block ng network.
By Rianne Briones