Mahigit 30,000 residente ang pinalilikas dahil sa malawakang bushfire sa Victoria, Australia.
Partikular na nagsimula nang ilikas ay ang mga residente at turista sa East Gippsland, isang holiday region.
Mahirap ang ginagawang paglikas sa lugar dahil maging ang major roads ay apektado na ng sunog.
Simula lamang nitong Setyembre, umabot na sa 9 ang nasawi sa mga nangyaring bushfire sa naturang bansa.