Libu-libong residente sa ilang bahagi ng Sarangani Province, General Santos City at Davao Region ang apektado ng pagbaha.
Kabilang sa mga nalubog ang mga reisdente sa coastal barangay ng Buayan, Gensan.
Nalubog din ang ilang barangay sa tabing-ilog sa bayan ng Malungon, Sarangani.
Una nang inihayag ng pagasa na ang pag-ulan sa mga nasabing lugar ay bunsod nang walang tigil na ulan dulot ng inter-tropical convergence zone at low pressure area.