Mahigit 15,000 residente na ng Maguindanao at Sulu ang apektado ng matinding pag-ulan dulot ng Intertropical Covergence Zone sa Mindanao at Visayas.
Ayon kay Myrna Angot, officer-in-charge ng Office of Civil Defense-ARMM, isang residente ang nasugatan sa Bus-bus, Jolo habang tatlong bahay ang napinsala sa gitna ng malakas na ulan sa Sulu.
Nasa 50 pamilya o tinatayang 250 katao ang lumikas matapos hampasin ng naglalakihang alon ang kanilang mga bahay.
Samantala, kabilang naman sa mga lugar na apektado sa Maguindanao ang 12 barangay sa bayan ng Sultan sa Barongis na Angkamayamat, Barurao, Bulod, Darampua, Gadungan, Kulambog, Langgapan, Paldong, Papakan, Masulot, Tugal at Tukanakuden.
By Drew Nacino