Inilikas na ang libu-libong residente sa mga lugar na dadaanan ng catergory 5 hurricane Patricia sa Mexico.
Kasunod na rin ito nang pag-landfall ng naturang bagyo sa bayan ng Jalisco sa Mexico.
Ayon sa US National Hurricane Center, bagamat bahagyang humina, taglay pa rin ng hurricane Patricia ang lakas ng hanging umaabot sa mahigit 200 kilometro kada oras.
Ito rin ang pinakamalakas na hurricane na naitala sa Atlantic.
Nagdeklara na ng state of emergency ang Mexico sa 3 mga estado nitong madaraanan ng bagyo kasabay ang babalang catastrophic storm surge, pagbaha at landslides.
Ipinabatid ng Mexican National Disaster Fund na 400,000 katao ang maaapektuhan ng hurricane.
By Judith Larino
*Photo Credit: NBC.com