Mahigit 2,000 rider ng mga motorcycle taxi service na Angkas ang nagsagawa ng kilos protesta sa Mendiola, Maynila ngayong Biyernes, Disyembre 27.
Kabilang sa pinaglalaban ng grupo ay ang disenfranchisement ng 17,000 na mga bikers ng naturang kumpanya matapos patawan ng cap ng Department of Transportation Inter-agency Technical Working Group (TWG).
Gayundin ang pahayag ng TWG na hindi na i-e-extend pa ang pilot run ng motorcycle taxi kapag natapos ito sa Marso 2020.
Pahayag ng isang rider, babalik na lamang sila sa colorum na habal habal sakaling tuluyan nang mawala ang operasyon ng Angkas.