Natanggap na ng Philippine Air Force o PAF ang libu-libong rockets na binili ng Pilipinas sa Amerika na inaasahang gagamitin sa bakbakan sa Marawi City.
Ayon sa press statement mula sa US Embassy pinangunahan ng JUSMAG o Joint United States Military Assistance Group ang paghahatid ng higit 1,000 na 2.75 inch rocket motors at higit 900 na 2.75 inch rockets.
Bahagi anila ito ng Mutual Logistics Support Agreement kung saan ipinagkakaloob ng Estados Unidos ang kanilang mga imbak na bala at gamit sa mga kaalyado nilang bansa.
Noong Huwebes nagbigay ang Amerika ng dalawang brand new surveillance planes at sa mga susunod na buwan anila ay magpapadala pa sila ng 250 rocket-propelled grenade launchers at 1,000 na M203 grenade launchers.