Libu-libong evacuee ang nagsimula ng bumalik sa Syria kahit hindi pa bahagyang nanunumbalik ang normal na sitwasyon sa kanilang bansa.
Gayunman, nasa 50,000 katao ang stranded sa Syria-Jordan border dahil sa paghihigpit sa seguridad ng Jordanian government at bantang pagsalakay ng mga tumatakas na miyembro ng Islamic State.
Ayon sa United Nations, hindi malayong magkasalubong ang mga tumatakas na ISIS member at mga uuwing Syrian refugee kaya’t dapat eskortehan ang mga ito ng Militar.
Dahil dito, nanawagan na ang UN sa Jordan maging sa mga karatig bansa tulad ng Lebanon at Turkey na tulungan ang mga nagbabalikang Syrian refugee sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon sa mga ito.
By Drew Nacino