Umarangkada na ang job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Occupational Safety and Health Center sa Quezon City ngayong araw.
Ang nasabing job fair ay bahagi ng “assist well” o welfare employment livelihood and legal program na binibigay sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Aabot sa 130,000 overseas jobs ang alok ng DOLE.
Dalawampu’t apat (24) na recruitment agencies na lisensyado ng POEA ang nakibahagi sa naturang job fair.
By Meann Tanbio | Aya Yupangco (Patrol 5)