Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit 6,000 food packs at tents sa mga residenteng naapektuhan ng pagalburuto ng Bulkang Taal.
Ipinadala ng DSWD ang 5,000 family food packs sa Batangas Complex Grandstand.
Bukod dito, ipinadala rin ang 300 tents kasama ang dalawandaang food packs sa bayan ng Laurel at 1,500 food packs naman sa bayan ng Agoncillo.
Samantala, binisita ni DSWD Sec. Rolando Joselito Bautista ang ilang evacuation centers upang makita ang kalagayan ng mga pamilyang lumikas na malapit sa ibaba ng Bulkang Taal.
Sa kabila nito, tiniyak ni Bautista na tutugunan ang pangangailangan ng mga residente at makikipagtulungan sa ibang lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng gobyerno.