Dumagsa ang libu-libong mamamayan ng Venezuela sa Colombia para bumili ng gamot at pagkain.
Ito ay matapos buksan ng pamahalaan ng Venezuela ang border na nag-uugnay dito sa Colombia.
Kasalukuyang nakakaranas ng economic crisis ang Venezuela kung saan marami sa mga residente rito ang hirap nang pakainin ang kanilang mga pamilya.
Unang ipinag-utos ni Venezuelan President Nicolas Maduro ang pagpapasara sa border upang maisawang mai-smuggle ang mga subsidied goods mula Venezuela patungong Colombia.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters