Nakatakdang sanayin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 8,000 volunteers na tutugon sa banta nang tinaguriang The Big One.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, igu-grupo sa 4 ang volunteer corps ng ahensya kaya’t tig-2,000 volunteers ang northern, southern, eastern at western quadrants ng Metro Manila.
Maliban sa sabayang training, ipinabatid ni Tolentino ang magkakahiwalay ding pagsasanay ng mga ito para sa pagtugon sa kani kaniyang evacuation center at command point na nakatalaga sa bawat quadrant.
Tatanggapin ng MMDA ang mga volunteer na 18 anyos pataas at may maayos na pangangatawan at bibigyan ng ID, t-shirt at certificate.
By Judith Larino