Nagdeklara ng ceasefire ang Libyan National Army ni Commander Khalifa Haftar sa kanlurang bahagi ng nabanggit na bansa kabilang ang Tripoli.
Ayon sa tigapagsalita ng Libyan National Army, tinanggap nila ang tigil putukan basta’t matitiyak na susunod sa napag-usapan ang kanilang kalaban na government of national accord.
Nagbabala rin ang Libyan National Army ng isang matinding buwelta oras na lumabag sa kasunduan ang government of national accord.
Batay naman sa ipinalabas na pahayag ng government of national accord, epektibo ang ceasefire simula hating gabi ng Enero 12, oras sa Libya bilang pagtugon naman sa panawagan ng Presidente ng Turkey at Russia.
Magugunitang nagpapatuloy ang civil war sa Libya kung saan hawak ni Haftar ang silangang bahagi ng bansa habang hawak naman ng na government of national accord ang kanluran.