Binansagang ‘International SOS’ ng International Medical and Services Firm ang mga bansang pinaka delekadong puntahan o bisitahin para sa taong 2020.
Ayon sa report na inilabas ng medical firm, nangunguna ang mga bansang Libya, Mali, South Sudan, Somalia, Syria, Afgahnistan, Iraq, at Yemen ang mga bansang nasa ilalim ng “extreme travel security risk”.
Mayroon umanong malaking banta sa seguridad ng mga turista sa mga nabanggit na bansa at malaking bahagi ng mga ito ay hindi napupuntahan.
Samantala, ideneklara naman bilang ‘safest travel destination’ ang mga bansang Norway, Finland, Denmark, Greenland, Slovenia, at Switzerland.