Nanawagan sa International Community ang Presidential Council sa libya na huwag nang makipag-ugnayan pa sa mga kalaban nila sa pulitika.
Nagnomina na ng unity government ang nasabing konseho noong isang buwan ngunit naaantala ang pagkilala rito.
2 ang naglalabang gobyerno sa Libya mula pa 2014 matapos mawala sa kapangyarihan si Colonel Muamar Gaddafi.
Ngunit hindi pa naaaprubahan ng Eastern House of Representatives ang naturang unity government.
Gayunpaman, ayon sa pahayag ng konseho, lumagda ng kanilang suporta ang mayorya ng House of Representatives para sa unity government sa pag-asang magwawakas na ang kaguluhang pulitikal sa Libya.
By: Avee Devierte