Umatras na ang gobyerno ng Libya sa nakatakdang military committee talks kasama ang United Nations sa Geneva.
Ginawa ang desisyon matapos na muling atakihin ng grupo ni Khalifa Haftar ang Tripoli.
Sa pahayag ng government of national accord, inanunsiyo ang pansamantalang hindi na makikipag-ugnayan ang gobyerno sa ceasefire talks dahil sa nasabing pag-atake.
Kahapon lamang nang simulan ikalawang pagpupulong ng dalawang grupo upang masolusyunan ang mga pag-atake ngunit muling lumabag dito ang grupo ni Haftar.