Ginagawa ng pamahalaan ng Libya ang lahat para mapalaya ang tatlong Pinoy at isang Korean national na dinukot sa nabanggit na bansa.
Ito ang pagtitiyak ng Libyan authorities ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Bagama’t hindi na aniya idinetalye pa ng pamalaan ng Libya ang kanilang mga hakbang, tiniyak pa rin ng mga ito na buhay at maayos ang lagay ng mga binihag na Pinoy na kinilalang sina Roderick Rivera, Antonio Manaba at Romeo Manaba at maging ang kasama nilang Korean national.
Dagdag ni Bello, patuloy din umano ang isinasagawang negosasyon ng Libyan government at ng armadong grupo na dumukot sa mg Pinoy.
Una nang naiulat ang pagdukot sa tatlong Pinoy at isang Korean national matapos pasukin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang pinagtatrahuhan sa Libya noong nakaraang buwan.