Pinag-aaralan ng Housing and Land Use Regulatory Board o HLURB na suspendihin ang license to sell ng DMCI sa ginagawa nitong Torre de Manila kasunod ng Temporary Restraining Order (TRO) na ipinalabas ng Korte Suprema.
Ayon kay HLURB-NCR Monitoring Division Head Atty. James Villanueva, sa oras na matanggap nila ang kopya ng TRO ay agad na susulat ang DMCI upang pagpaliwanagin kung bakit hindi kailangan isuspinde ang inisyung license to sell sa kumpanya.
Aniya, sa monitoring ng ahensya umaabot na sa 600 na condo units ang naibenta na ng developer mula sa kabuang 900 units nito.
Sakali naman na patawan na ng suspension order ang DMCI ay posible naman aniyang huminge ng refund ang mga customer na nakabili na ng unit.
NCCA
Bukas ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na sa halip na tuluyang gibain ay bawasan na lamang ang Torre de Manila ang tinaguriang pambansang photo bomber.
Kasunod ito ng ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema laban sa konstruksyon ng 49-storey na Torre de Manila.
Ayon kay NCCA Chair Professor Felipe de Leon, maaaring sundin ng DMCI ang dati nang regulasyon na nagpapahintulot ng hanggang seven floors ang maging taas ng itatayong gusali.
Una na aniyang nagpalabas ng cease and desist order laban sa naturang condominium matapos na mapansin na tumataas na ang gusali lampas sa itinakdang regulasyon.
Pinaghahawakan ng NCCA ang Heritage Act na nagsasabing mahalagang malawak at malinis ang paligid ng monumento ni Gat Jose Rizal sa Rizal Park.
By Rianne Briones