Ipinagpaliban ng Professional Regulation Commission (PRC) ang licensure examinations na nakatakdang isagawa mula ngayong Hunyo hanggang Agosto.
Sa halip ang mga naturang board exams ayon sa PRC ay gagawin na lamang sa susunod na taon para makaiwas na rin sa problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kabilang sa mga suspendidong licensure examinations ang environmental planners, guidance counselors, interior designers, landscape architects, mining engineers, nutritionist-dietitians, psychologist, psychometricians.
Bukod pa ito sa board exam para sa social workers, veterina\rians, master plumbers, mechanical engin eers and certified plant mechanics, medical technologists, occupational therapists, physical therapists at sanitary engineers.
Pinayuhan ng PRC ang mga kukuha ng pagsusulit na regular na i-check sa kanilang website at official social media accounts ang bagong petsa ng mga nasabing licensure examinations.