Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Rizal Provincial Police Office ang leader umano ng ‘Dioquino Carnapping Group’.
Kinilala ng QCPD ang suspek na si John Martin Dioquino, residente ng Barangay Parang.
Narekober kay Dioquino ang dalawang carnap na motorsiklo nang masakote sa Del Pilar Street.
Ayon kay QCPD Director, Brig. Gen. Nicolas Torre the third, nasa listahan ng district level most wanted person ang suspek na nag-o-operate sa Quezon City, Marikina City at lalawigan ng Rizal.
Nahaharap naman si Dioquino sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Law. —sa panulat ni Hannah Oledan